Friday, May 17, 2019

PANDESAL

SINO ANG MAS MATALINO?
Isang araw magkasamang naglalakad si Digong at Noynoy patungong Panaderya. Pagpasok nila ay kumuha na agad ng 3 tinapay si Noynoy at itinago sa bulsa ng di namamalayan ng may ari sabay sabi kay Digong, "oh diba, ang talino ko, Nakakuha ako ng 3 tinapay ng hindi nalaman ng may ari, kaya di ko na kilangan pang magbayad.
Sabi naman ni Digong, "matalino ka na pala nyan? Panoorin mo ko:
Kinausap ni Digong ang may ari ng Panaderya at sinabing.. "bigyan mo ko ng isang tinapay at pakikitaan kita ng magic", dahil interesado ang may ari na makakita ng magic, binigyan niya ng tinapay si Digong, kinain niya ito at humingi pa ng isa, kinain ulit at humingi ng isa pa.
Nagtaka na ang may ari ng panaderyahan at sinabing ano ginawa mo, Asan na ang magic? Tingnan mo ang bulsa ni Noynoy at nandoon ang tatlong tinapay na kinain ko. 

Galing sa FB share ng KAPA Community Ministry International Inc. Calabarzon

No comments:

Post a Comment